284

Jan 5, 2019 @ 10:44

Quezon Province niyanig ng lindol

Tinamaan ng magnitude 3.0 na lindol ang karagatang sakop ng Quezon province, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang episentro ng lindol na may layong 74 kilometro sa Hilaga-Silangang bahagi ng bayan ng Jomalig bandang alas-4:51, Sabado ng madaling-araw.

Mababaw ang lindol at may lalim lamang na isang kilometro at tectonic ang dahilan nito na hindi naman nagdulot ng aftershocks.

Samantala, yumanig muli ng magnitude 3.4 sa bahagi ng Davao Oriental kahapon ng alas-12:12 ng hatinggabi.

Ang episentro nito ay sa layong 224 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso na may lalim na 125 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang aftershocks at walang naging pinsala sa mga ari-arian. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?