54

Oct 30, 2020 @ 15:18
By

Quezon naka-red alert sa bagyong Rolly

Dahil sa paparating na Typhoon Rolly, inilagay na ang lalawigan ng Quezon sa “red alert” status.

“As ordered by Governor Danilo Suarez, the whole province has already been placed under red alert since 8 a.m. (Friday),” pahayag ni Melchor Avenilla Jr., Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council head sa ulat ng Inquirer.

Sa ilalim ng “red alert” status, obligado ang operation at monitoring team na mag-duty ng 24/7 para sa mga emergency.

Naihanda na rin aniya ang mga evacuation center sakaling tumama si “Rolly” sa lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?