70
BSP
Jul 26, 2019 @ 23:06
By

Quezon mananatili sa P20 barya

Suportado ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang panukalang gawing barya ang P20 perang papel na ilalabas sa susunod na taon.

Kasalukuyan pa lang umanong pinag-aaralan ang magiging disenyo ng P20 na barya pero mananatili umano ang mukha rito ni dating Pangulong Manuel Quezon.

Nag-ugat umano ang idea na gawing barya ang P20 dahil sa pag-aaral na sinagawa ng University of the Philippines.

Ang P20 umano ang pinakaginagamit na salapi sa bansa kaya siya ring pinakamadaling masira.

Nakabinbin pa ang panukala sa Committee on Currency Design and Enhancements ng BSP at kinakailangan pang maaprubahan ng Monetary Board at ng Malacañang bago gawin ang barya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?