14

Jan 4, 2021 @ 9:45
By

Quezon inuga ng magnitude 4.4

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Quezon ngayong Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang lindol ng alas-8:05 ng umaga, Enero 4, sa 25 kilometro southwest ng bayan ng San Francisco.

Tectonic ang origin nito at may lalim na dalawang kilometro.

Naramdaman ang Instrumental Intensity I sa Gumaca, Quezon.

Ang lindol ngayon ay isang aftershock ng magnitude 5.2 lindol na tumama rin sa San Francisco, Quezon noong araw ng Pasko, sabi pa ng Phivolcs.

Wala namang inaasahang aftershock at pinsala mula sa bagong lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?