25

Queen Elizabeth II pinarangalan ang coach na tumulong sa career ni David Beckham

Pinarangalan ni Queen Elizabeth II ang dating Manchester United youth team soccer coach na tumulong sa karera ni David Beckham.

Pinaunlad ni Eric Harrison ang kilalang “Class of 92” ng Manchester United kung saan naging footballer si Beckham na kinabibilangan din nina winger Ryan Giggs, midfielder Paul Scholes at ng mag-utol na Neville na sina Phil at Gary, sa depensa.

Pasok bilang miyembro ng Order of the British Empire o MBE ang 79-anyos na si Harrison sa British monarch’s New Year honors list.

Ang mga nagtapos sa youth team ni Harrison ang siyang nagbuo bilang gulugod ng United team na nagdomina sa Premier League ng dalawang dekada sa ilalim naman ni coach Alex Ferguson.

Itinalaga bilang youth coach si Harrison ng United noong 1981. Nagretiro siya ng 1998 bago nakamit ng kasunod niyang coach ang Champions League, Premier League at FA Cup ng 1999.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?