187

Aug 18, 2018 @ 17:34
By

Quarterfinals ng BVR Open inokupa ni Rondina, Barbon

Umentra sa quarterfinals ang pambato ng University of Santo Tomas na sina Sisi Rondina at Babylove Barbon, maging ang pares nina Perlas Spikers Dzi Gervacio at Bea Tan matapos dispatsahin ang kani-kanilang karibal kahapon sa Beach Volleyball Republic on Tour Manila Open sa Sands SM By The Bay.

Pinadapa nina Barbon at Rondina ang kapwa nila Tigress na sina Gen Espalor at MJ Ebro 21-10, 21-14 para masikwat ang ikalawang sunod na panalo habang sina Gervacio at Tan naman ay hindi pinaporma sina Gretchel Soltones at Alyssa Eroa ng Smart 24-22, 21-10.

Sa tatlong sets naman nanaig ang pambato ng FEU na sina Ivana Agudo at Marianne Calinawan bago tuluyang alpasan ang UP bets na sina Abi Goc at Mikee Osorio 21-16, 19-21, 15-5.

Lusot na rin sa susunod na round sina Roma Doromal at Chantal Rodridguez ng Kempal matapos nitong pataubin sa tatlong sets 21-23, 21-13, 15-7 sina Hannah Nicole Infante at Gracelchen Ave ng Adamson.

Ang apat na pares na natalo sa kanilang unang laro ay muling bumalik para makasikwat ng pwesto sa quarterfinals ng torneo.

Sina Anna Abanto at Jennifer Manzano-Acain ng Air Force ay naalpasan ang bala ng University of Perpetual Help na sina Princess Deana Estanislao at Janine Padue 21-15, 19-21, 15-12 habang si Klymince Orilleneda at Antonnete Landicho naman ay tinalo sina Jessma Ramos at Justine Dorog ng UP.

Naging pabor din kina Ponggay Gaston at Jules Samonte ng Ateneo ang laro nang talunin nila sina Candido at De Lima ng RTU 21-13, 21-23, 15-12 habang sina Manalo at Ritual ng UE ay dinomina sina Felicia Cui at Kaila Mendoza ng College of Saint Benilde 21-19, 21-10.

Ang mananalo sa tatlong araw na torneo ay makakapag-uwi ng P20,000 premyo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?