61

Jan 22, 2019 @ 16:04

Quarterfinals ng Australian Open, kasado na

Kumpleto na ang mga quarterfinalist ng Australian Open 2019 para sa men’s singles at women’s singles ng torneo.

Maghaharap ngayong araw ng Martes (Manila time) para sa unang araw ng quarterfinals sina Spaniard Roberto Baustista Agut kontra Greek Stefanos Tsitsipas at American Frances Tiafoe laban kay legendary Spaniard Rafael Nadal para sa men’s singles.

Magtutuos naman sina Anastasia Pavlyuchenkova laban kay Danielle Rose Collins at Petra Kvitova kontra kay Ashleigh Barty para sa women’s singles.

Bukas, Miyerkoles (Manila time) ay maghaharap sina Novak Djokovic vs Kei Nishikori at Milos Raonic laban kay Lucas Pouille para sa men’s, at Serena Williams vs Karolina Pliskova at Naomi Osaka kontra kay Elina Svitolina para sa women’s. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?