48
mt-parawagan

Quarrying sa Montalban, iprinotesta

Sharing is caring!

Nanawagan ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Bangon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang mga homeowners’ associations at transport groups sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan.

Apektado ang mga barangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro kung saan kontrolado diumano ng isang opisyal ng bayan ng Montalban.

Nagdaos ng kilos protesta kaninang umaga ang mga grupong ito sa Montalban Town Plaza sa lalawigan ng Rizal upang kondenahin ang iligal na pagmimina at quarrying sa nasabing bayan na nakalulusot sa paniniwalang may proteksyon ito mula sa mataas na opisyal doon.

Kinondena rin ng grupo, Millex Inc at Majestic na pag-aari diumano ng dating opisyal ng gobyerno.

“Nakakatakot talaga dahil tanaw lang sa bahay namin ang bundok kung saan ginagawa ang quarrying, kawawa ho kaming mga residente dahil kami ang mapapahamak sakaling magkaroon ng anumang sakuna. Halos walong taon na po nasa panganib kaming residente ng Montalban kaya panahon na para ipaalam sa kinauukulan ang mga ito,” ani ni Manny Torres, spokesperson ng ng nasabing grupo.

Tinutukoy ni Torres ang quarrying na nagaganap sa Mt. Parawagan kung saan ay katabi lamang ng Gloria Vista subdivision at marami pang ibang mga pamayanan sa iba’t-ibang barangay na nauna ng nabanggit.

“Maawa naman po kayo! Buhay at kinabukasan po namin ang nakasalalay dito. Tigilan na ang illegal mining at quarrying dito sa Montalban, ” magkasamang panawagan din nina Father Noe Elnar at Atty. Rodolfo Melizza ng Gloria Vista Homeowners’ Association.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?