68

Jul 27, 2021 @ 20:31
By

Quarantine status kada 15 araw na papalitan – Roque

Kada dalawang linggo ay rerebyuhin at pagdedesisyunan ang bagong quarantine classification na ipatutupad sa bansa.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagbabago sa community quarantine schedule ay upang tugunan ang mga kaso ng mas nakakahawang Delta variant.

Unang nirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang bagong quarantine status kada buwan.

“Sinabihan na po ng IATF ang Presidente na ang ating classification will now be every 15 days, kasi we need to be able to move quickly kapag talagang sumipa po ang kaso ng Delta variants. Kasi ganyan po iyong anyo ng Delta variant, bigla na lang sumisipa,” paliwanag ni Roque sa televised press briefing nitong Martes.

“So, kung dati po ay nasasanay tayo na monthly ang ating quarantine classification, ngayon po ginagawa nating at least every two weeks, pero every week po mino-monitor po natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?