11

Jul 16, 2021 @ 15:28
By

Quarantine sa Visayas hinigpitan

Hinigpitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine classification ng ilang lugar sa Visayas dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Iloilo Province, Iloilo City, Cagayan de Oro at Gingoog City mula sa dating klasipikasyon na modified enhanced community quarantine o MECQ.

Magiging epektibo ang bagong quarantine classifications sa July 22 hanggang July 31,2021.

Pinalawig naman ng IATF hanggang July 31, 2021 ang GCQ with heightened restriction sa Antique na dating hanggang July 22 lamang.

Binabaan naman ng IATF ang classification ng Misamis Oriental mula sa dating MGCQ na ginawa na lamang GCQ with heightened restrictions hanggang sa katapusan ng buwan.

Sinabi ni Roque na ang reclassification ng mga nabanggit na mga lugar ay ibinatay sa rekomendasyon ng mga eksperto mula sa Department of Health.

“The reclassification was made upon the recommendations of the Department of Health, its Technical Advisory Group, and the Technical Working Group on COVID-19 variants,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?