28

Oct 8, 2021 @ 16:23
By

Quarantine period pinaiksi ng IATF

Mababawasan na ang sakripisyo at pagtitiis ng mga isinasalang sa quarantine matapos magpalabas ng bagong polisiya ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa dating 14 na araw ay magiging pitong araw na lamang ang quarantine period ng mga nakakumpleto na ng bakuna na may direktang exposure sa isang COVID-19 patient subalit hindi kinakitaan ng sintomas ng virus.

Ang bagong protocol ay inaprubahan ng IATF matapos ang ginawang pulong nitong Huwebes.

“Fully vaccinated individuals who are close contacts of probable and confrmed COVID-19 cases may undergo a 7-day quarantine period provided the individual remains asymptomatic for the duration of the 7-day period with the 1st day being the date immediately after the last exposure,” ani Roque.

Sakaling kailangan ang RT-PCR test sa asymptomatic, maaari itong gawin sa ikalimang araw mula sa unang araw ng kanyang exposure.

Kapag nagpositibo sa pagsusuri, ang asymptomatic na pasyente ay kinakailangang sumunod sa itinakdang testing at isolation protocols.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?