127

Mar 23, 2020 @ 13:35
By

Quarantine pass walang bayad! ‘Wag pagkakitaan

Giniit ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet spokesperson Karlo Nograles na wala dapat na singilin sa pagbibigay ng quarantine pass na kinakailangan para makalabas ng bahay ang isang miyembro ng pamilya.

Ayon kay Nograles, paulit-ulit na umanong sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat na samantalahin ang pagbibigay ng quarantine pass sa gitna ng kalamidad na ito.

Dagdag ng opisyal, ang DILG at pulisya ang hahawak ng mga ulat ng pang-aabuso at koleksyon ng bayarin para sa home quarantine pass.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?