17

Mar 27, 2021 @ 21:28
By

Quarantine pass obligado sa Pateros

Magpapatupad ng quarantine pass ang munisipalidad ng Pateros sa pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite simula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce III na magsilbi sana itong babala sa mga kababayan na kailangang gawin ang lubhang pag-iingat, pagsusuot ng tama ng face mask, ng face shield at social distancing.

Dagdag niya, ang ECQ sa Pateros ay nangangahulugan ding mas mahabang curfew hours at lockdown.

Aniya, 252 ang active case nila ng COVID-19, 40 ang death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?