48

Aug 1, 2021 @ 10:35
By

Quarantine pass kailangan uli sa Maynila

Muling kakailanganing ipresenta ng mga residente ng Maynila ang kanilang mga quarantine pass tuwing lalabas ng bahay kasunod ng pagkasa ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.

Sa ulat ng Manila Bulletin, inatasan ng Manila Barangay Bureau ang lahat ng mga barangay official na maglabas ng quarantine pass sa kanilang mga residente.

“Only one quarantine pass shall be issued to each family,” saad sa memorandum.

Anila, lahat ng quarantine pass ay nasa “odd and even format.” Lahat ng mga quarantine pass na nagtatapos sa mga odd number ay makakalabas lamang tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes.

Makakalabas din sila tuwing Linggo ngunit mula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 lamang ng tanghali.

Samantala, ang may mga quarantine pass naman na nagtatapos sa mga even number ay makakalabas ng Martes, Huwebes, at Sabado.

Makakalabas din sila tuwing Linggo ngunit mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 lang ng gabi.

Makakalabas naman ang mga non-quarantine pass holder basta’t magpakita lamang ng QR code o waiver.

Nito lamang Biyernes ng aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa ECQ ang NCR bunsod ng COVID spike at pagkalat mg COVID Delta variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?