33

Aug 19, 2020 @ 18:14

Quarantine pass kailangan sa Cavite

Inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na kailangan pa rin ng quarantine pass sa kanilang lalawigan.

Aniya, kailangan ang quarantine pass kapag magtutungo sa iba’t ibang bayan at kapag papasok sa mga mall.

“Maaari na muling maglakbay sa iba’t ibang bayan ngunit kailangan pa rin ng quarantine pass,” sabi ni Remulla sa Facebook post.

At dahil balik GCQ ang kanilang lalawigan, ani Remulla, mayroon na uli masasakyan ang mga pasahero.

Pagdating sa liquor ban sinabi ni Remulla na, “Tuloy pa rin ang Liquor Policy sa buong lalawigan ngunit may kanya-kanyang patakaran ang mga mayor dito. Please refer to their Official FB Pages for more info.”

Nagpaalala rin siya na mag-ingat ang lahat at sumunod sa mga patakaran.

“Ang mga kasong positibo ay lagpas 3,436 na sa Cavite. Bumagal ng kaunti ang pagtaas ngunit mapanganib pa rin ang sitwasyon,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?