130

Aug 1, 2021 @ 19:04

Quarantine classification binago sa 4 lalawigan

Binago ng Malacañang ang quarantine classification sa ilang lugar sa bansa sa loob ng unang 15 araw ng Agosto.

Nitong Biyernes ay inilabas ng Palasyo ang quarantine classification sa bansa mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, ngunit nitong Linggo ay nagdeklara ng bagong restrictions sa Aklan, Apayao, Cebu at Laguna.

Ang Cebu ay isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, habang ang Apayao, Aklan at Laguna ay sasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Tatagal din hanggang Agosto 15 ang bagong quarantine restrictions

Noong unang anunsyo ay MECQ ang Cebu habang GCQ with heightened restrictions naman ang idineklara sa Laguna at Aklan. Ang Apayao naman ay unang idineklara sa ilalim ng GCQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?