9

Feb 26, 2021 @ 20:01
By

QualiMed binili ng Ayala

Muling namuhunan sa health care sector ang Ayala Group matapos makapagsara ng deal upang i-takeover ang hospital chain ng QualiMed.

Nakumpleto ng Ayala Healthcare Holdings Inc. (AC Health), sa pamamagitan ng Healthway Philippines Inc., ang pagbili sa majority stake ng Mercado General Hospital Inc. (MGHI), na siyang nagmamay-ari at nagpapatakbo sa QualiMed Health Network.

Ani Jimmy Ysmael, bagong talagang president at CEO ng QualiMed, napapanahon ang pagdagdag ng QualiMed sa AC Health network ngayong nangungunang nasa isipan ng lahat ay ang kalusugan dahil sa coronavirus pandemya.

“QualiMed helps complete AC Health’s service delivery network by providing health care at the tertiary level, and by expanding its portfolio of specialty clinics,” dagdag ni Ysmael.

Mapapabilang na ang apat na general hospital, mahigit 85 outpatient clinic at 80 corporate clinic sa koleksyon ng mga klinika at ospital ng AC Health at unang specialty cancer hospital na nakatakdang buksan sa 2023.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?