9

Sep 8, 2021 @ 13:20

QC umaariba! 2M COVID vaccine ipinamudmod

Mahigit kalahati na ng target population ng Lungsod ng Quezon ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito ay simula nang ilunsad nila ang kanilang malawakang pagbabakuna noong Marso.

Sa kanilang Facebook page, isinaad ng kanilang lokal na pamahalaan na 2,626,579 doses na ng COVID vaccine ang itinurok nila sa kanilang mga residente.

Batay sa report, 1,728,673 sa mahigit 2 milyon ay nakatanggap na ng first dose, samantalang 897,906 naman ang nakakuha na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, 991,636 o 58.33% na ng kanilang adult population ang fully vaccainted na kontra COVID.

“Malaking bagay ito lalo na ngayong may Delta variant,” anang kanilang lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasama sa bilang ng mga fully vaccinated na indibidwal ang mga tinurukan ng single-shot na Janssen COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?