108

Feb 9, 2021 @ 16:11
By

QC restobar ni-raid; 63 katao tiniketan

Ni-raid ng otoridad ang isang restobar sa Quezon City dahil puro alak at walang pagkain na nao-order dito, at hindi nito napapanatili ang physical distancing sa gusali.

Martes ng madaling-araw, sinugod ng mga tauhan ng QC government ang 14Q Bar and Restaurant sa Mother Ignacia Avenue.

Sabi ni QC Task Force Disiplina head Rannie Ludovica, inisyuhan nila ng citation tickets ang 63 customer at empleyado ng restobar dahil lumabag ang mga ito sa “contact tracing and health protocols” at sa ordinansa ng lungsod sa curfew hours.

Irerekomenda rin aniya niya ang permanent closure order laban sa 14Q dahil nago-operate ito kahit walang business permit mula sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte.

“Unang una, nag-ooperate siya as a bar eh. Supposed to be restobar, pero regular bar ang ginagawa niya, operating ’til 3 a.m. It is a violation of Quezon City’s General Community Quarantine guidelines na hanggang 11 in the evening [lang dapat],” wika ni Ludovica sa MB.

Ginawa ang raid matapos magreklamo at magpadala ng videos ng isang concerned citizen sa tanggapan ni Belmonte at matapos magsagawa ng otoridad ng surveillance sa gusali, dagdag ni Ludovica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?