21

Sep 16, 2020 @ 21:35
By

QC namigay na ng 176K tablet sa mga estudyante

Itinurn-over na ng Quezon City government ang nasa 176,000 tablet sa local school board na gagamitin ng mga public high school student.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ceremonial turnover ceremony ng mga tablet.

“These tablets forms part of the PHP2.9 billion supplemental budget approved by the Quezon City Local School Board,” aniya sa Facebook post.

Kasama sa naturang budget ang pagbibigay ng kaukulang allowance sa mga guro at pamamahagi ng mga learning kit gaya ng flash drive, modules at printed material, at mga hygiene kit gaya ng sabon at alcohol para sa mga estudyante.

“May custom software ang tablets na ito at lahat ng app na kakailanganin ng mga estudyante ay naka-install na dito,” dagdag ni Belmonte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?