23

By

QC nalilinis na mula sa tambay, krimen – police chief

Sharing is caring!

Ipinagmalaki ng hepe ng Quezon City Police District (QCPD) na nagtatagumpay ang kampanya sa lungsod laban sa mga tambay.

Ayon kay P/Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., hepe ng QCPD, marami ang nagpapasalamat sa kanila dahil unti-unting nalilinis ang mga lansangan mula sa mga tambay kaya nabawasan ang krimen sa lungsod.

“Dati sa Visayas Avenue, magulo. May kumakanta rito, may nakahubad doon. Ngayon malinis na,” sabi ni Esquivel.

Naibsan na rin umano ang insidente ng scnatching na matagal nang talamak sa Quezon City.

Unti-unti naman umanong bumababa ang bilang ng kanilang mga dinadakip dahil sa pag-tambay o paglabag sa mga ordinansa gaya ng pagbabawal sa inuman sa kalye, paninigarilyo sa lansangan at paglalakad ng walang pang-itaas.

Mula sa dating 300 average na huli kada araw, bumaba na sa 80 hanggang 100.

Naging aktibo ang pulisya sa Metro Manila matapos iutos ni Pangulong Duterte na linisin ang mga lansangan mula sa mga tambay na umano’y silang potensyon na gumawa ng mga krimen sa lansangan.

Mula noong umpisahan ito noong Hunyo 13 hanggang Hunyo 20, may 20,979 nang dinakip sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?