23

Jun 24, 2022 @ 11:32
By

QC ‘moderate risk’ na sa Covid 19

Itinaas na sa “moderate risk” ang level sa Quezon City dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.

Umabot na kasi sa 429 ang aktibong kaso sa lungsod nitong Hunyo 22, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Tumaas din sa 2.2 porsyento ang reproduction rate sa QC habang nasa 4.0 porsyento naman ang positivity rate mula sa dating 3.0 porsyento.

Dahil dito, mas maghihigpit ang pamahalaan ng QC ukol sa pagsusuot ng face mask at pagbabakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?