72

Nov 25, 2021 @ 16:26
By

QC Mayor Belmonte tiniketan dahil walang suot na helmet

Tiniketan ng Quezon City Department of Public Order and Safety si Mayor Joy Belmonte dahil sa wala ito umanong suot na helmet habang nagbibisikleta nitong Nobyembre 25.

Pinagmulta ang alkalde ng P300 dahil sa paglabag nito sa city ordinance na SP-2942 S2020 o ang Bicycle Riders Helmet Ordinance na nag-uutos sa bawat bicycle riders na magsuot ng protective helmet.

Saad naman ni Belmonte, tama lang ang ginawang pag-isyu sa kaniya ng ticket dahil ito ay lumabag.

Noong Oktubre 1, namigay ang lungsod ng 3500 helmet sa mga nakasakay sa bisikleta na naninirahan sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?