37

By

QC, may pinakamataas na kaso ng leptospirosis sa NCR

Sharing is caring!

Ang Quezon City ngayon ang may pinakamalaking bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa Metro Manila ngayong taon.

Ayon sa report, sa 234 kaso ng leptospirosis sa National Capital Region, 87 dito ay nagmula sa Quezon City.

Sinundan ito ng Maynila sa 25, Taguig City, 20; Parañaque City, 18; Caloocan City, 18; Pasig City, 10; at Las Piñas, 10.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagsasagawa na sila ngayon ng surveillance sa mga barangay para matukoy ang mga biktima ng leptospirosis at agad itong magamot.

Paliwanag ni Duque, maliban sa patuloy na pagbaha, ang hindi maayos na pangongolekta ng basura ang nakakadagdag sa pagkalat ng sakit na nakukuha mula sa ihi ng infected na daga.

Payo nito sa mga lokal na pamahalaan na dagdagan ang pangongolekta ng mga basura para mabawasan kung hindi man masugpo ang pagdami ng mga daga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?