52

Nov 24, 2021 @ 21:26
By

QC may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa NCR

Ang Quezon City ay nananatiling nangungunang lungsod sa National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) COVID-19 Tracker, nakapagtala ang Quezon City ng 802 bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw hanggang Nobyembre 23.

Sumunod ang Maynila na may 425 bagong kaso, sinundan ng Taguig na may 316 na bagong kaso, Pasig na may 211 bagong kaso at Caloocan na may 192 na bagong kaso.

Sa kaparehas na datos ay itinala na ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Nagtala ito ng 176,712 sa 860,228 kabuuang kaso sa NCR.

Sinundan ng Maynila na may kabuuang 103,349 na kaso; Caloocan na may 64,003; Taguig na may 63,071 at Pasig na may 61,710.

Sa kasalukuyan, ang Quezon City ay mayroong 1,033 active COVID-19 cases at 2,115 ang namatay.

Samantala, may 3,356 na bagong kaso ang naitala sa NCR sa nakalipas na 14 na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?