195

Dec 17, 2017 @ 14:01
By

QC jail natakasan ng 18-anyos na preso

Nakatakas mula sa Quezon City Jail ang isang 18-anyos na bilanggo.

Nakilala ang pugante sa pangalang JR Mananquil na nahaharap sa mga kasong carnapping at illegal possession of firearms.

Ayon kah Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong nakalipas na Sisyembre 7 ipinasok si Mananquil sa bilangguan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, umakyat si Mananquil sa paikot-ikot na hagdan na malapit sa pader ng bilangguan.

Maliksi umanong kumilos at hindi nalansin ng mga jail guard.

Bumuo na ang QC Jail ng tracking team pati na ang BJMP-National Capital Region Special Tactics and Response Team para tugisin si Mananquil. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?