19

Nov 25, 2021 @ 13:56
By

QC gov’t dapat ginamit pondo sa edukasyon – Defensor

Ipinahayag ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na ang Quezon City government ay dapat gumastos ng mas malaki sa edukasyon ng mga residente nito.

Habang ipinagmamalaki ng pamahalaang lungsod ang bilyong halaga ng pondo, iginiit ni Defensor na hindi maikakaila na nabigo itong maibigay ang marami sa mahahalagang pangangailangan ng mga residente ng Quezon City.

“Sa ibang lungsod ay ginagawa na ito: libreng schools supplies, gadgets, uniform at allowance bukod tangi na ang Quezon City na mayroong pinakamalaking pondo ang lungsod na hindi nagbibigay nito sa mga mag-aaral,” ani Defensor

Aniya, nagbigay lamang ng mga tablet ang local government na hindi sasapat sa 430,000 public school students nito.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) 19.48 porsiyento (494,623) lamang ng populasyon ng Quezon City ang academic degree holder at 0.39% (10,517) ang may masters degree.

Humigit-kumulang 38.4 porsiyento (1,026,264) ng 2.67 milyong populasyon na may edad 5 pataas ay mga nagtapos ng hayskul at 15.46 porsiyento (413,215) na indibidwal ang nakarating o nakatapos ng high school.

“Education is the only thing we can give them, the gift of inheritance that we can give them so they can change the current state or status of their welfare, maayos natin yun buhay nila, maayos natin yun kinabukasan nila. Kapag naiayos natin ang buhay nila ay siguradong maiaayos natin ang Quezon City,” saad ni Defensor.

“Pero bakit hindi mabigyan ng allowance ang mga college students? Bakit kailangan pahiram ang tablet sa mga nag-aaral? Ito ang kailangan ngayon ng lungsod,” dagdag nito. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?