82

Sep 14, 2021 @ 16:27
By

QC diniin sa isa pang isyu ng overpriced ayuda items

Isiniwalat ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang isa pa umanong overpriced na pagbili ng ayuda food pack ng Quezon City government noong nakaraang taon.

Ayon kay Defensor, isang insider mula sa city hall ang nagbigay sa kanya ng kopya ng purchase order ng Office of the Mayor.

Bumili umano ang lungsod ng grocery items para sa 250,000 food pack sa halagang P1,149.98 kada pack o kabuuang P287.4 milyon.

Pero batay umano sa presyo ng mga items na mabibili sa lokal na pamilihan, sinabi ni Defensor na ang halaga ng bawat food pack ay P636 lamang.

“Thus, the total overprice for this particular procurement amounted to P128, 495,000,” sabi ni Defensor sa isang pahayag.

Ang ikalawang purchase order ay may petsang Nobyembre 23, 2020 at ang supplier ay LXS Trading, na may address na 1210 Suntrust Capitol Plaza, Matalino st., Central, Quezon City.

Nilinaw ni Defensor na ito ay iba pa sa nauna niyang isiniwalat na pagbili ng city hall ng 350,000 food pack sa Thyme General Merchandise, ng 32 Batay st., Cubao. Ang bawat pack ay binili rin sa halagang P1,149.98 o kabuuang P402.5 milyon.

“The two procurements for a total of 600,000 food packs were worth P690 million, of which P308 million was the overprice. At P636 per pack, the city government could have bought and distributed an additional 484,000 food packages,” dagdag pa ni Defensor.

Nagtataka si Defensor kung bakit pinaghiwalay pa umano ang pagbili ng magkaparehong mga items at kung bakit pinayagan ito ng city auditor.

“As far as I know, the Commission on Audit prohibits this kind of procurement because it does not allow an agency or local government unit to obtain the best price for the government,” punto pa ni Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?