46

Dec 2, 2017 @ 17:32
By

PWRDs allowance itinaas sa P1,000

Inaprubahan ang pagtaas sa P1,000 sa Carer’s allowance na ibinibigay ng Employees Compensation Commission (ECC) sa pribadong sektor mula sa P575 kada buwan.

Sinabi ni ECC Executive Director Stella Banawis, ang hakbang ay tugon sa pangangailangan na mapabuti ang mga benepisyo sa ilalim ng Employees Compensation Program.

Aniya, ang umento ay para sa kapakanan ng mga Persons with Work-Related Disability o (PWRDs).

Sinabi pa ni Banawis bago ito, nagsagawa ng pag-aaral ang Social Security System hinggil sa kakayahan ng EC State Insurance Fund (SIF) na mapondohan ang allowance hike.

Dagdag pa nito, nabatid na sa kabila ng pagtaas sa allowance ay kakayanin ito ng SIF kahit lumagpas pa sa taong 2080.

Paglilinaw pa ni Banawis, hindi rin mangangailangan ng dagdag na kontribusyon mula sa mga empleyado.

“Carer’s allowance is a supplemental benefit given to PWRD who already received EC Permanent Partial Disability or Permanent Total Disability benefits,” ani Banawis.

Naipadala na sa Malakanyang ang kopya ng resolusyon para maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?