1,475

Dec 26, 2017 @ 19:25
By

Pwetmalu ni Anne inirampa sa Siargao

Puring-puri si Anne Curtis ng fans niya dahil dito lang sa Pilipinas sila nag-celebrate ng mister niyang si Erwan Heussaff ng Pasko. Ang ibang couples nga, dumayo pa sa Europe, Japan, America, para mag-celebrate ng Pasko, kaya nice naman na ang bagong kasal na Anne at Erwan ay ang sariling atin ang in-appreciate.

Kunsabagay, mas madalas din kasi na nasa ibang bansa sina Anne at Erwan, lalo na nu’ng bago sila ikasal. Mukhang sinulit talaga nila ang buhay dalaga-binata nila noon.

Pero, bukod sa bakasyon (na ang hula ng marami ay Siargao), ang pasabog na pwetmalu ni Anne ang pinag-usapan nang husto.

“Sun’s out big buns out,” simpleng caption ni Anne sa photo na nakaharap siya sa malinis na dagat, kaya nakatalikod siya sa kamera, at lantad na lantad nga ang medyo lumaking puwet niya, na siya rin naman ang nagbuking.

Kung iba, nahihiyang aminin na lumalaki na ang ibang bahagi ng kanilang katawan. Iba nga si Anne, dahil proud siyang sabihin na big na nga ang buns niya.

lalinkagb: “Dyosa in paradise.”

mjtgln: “Bume-Bella Hadid!”

allysaespanto: “Pwetmalu.”

pathew69: “LOok at that BOOTY!! yeah!”

melroseard: “You’re so pwetmalu ate @annecurtissmith hahahaha.”

bewithaish08: “That waput tho. Wwitwweeewww.”

sheweecays: “Wow self proclaimed big bun.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?