505

Aug 20, 2021 @ 14:13
By

Pwet ang nakita sa vision! Lola na-wow mali kay Rudy Baldwin

Hagikgik si Raffy Tulfo sa isang complainant na dumulog sa kanyang public service program para ireklamo ang psychic na si Rudy Baldwin.

Ayon sa nagrereklamong si Solen Itaya, ilang beses na siyang nagpa-vision kay Baldwin at nagbayad kapalit ng mga ito.

Aniya, isa sa kanyang pinahulaan ay ang magiging kasarian ng kanyang susunod na apo sapagkat noon ay buntis ang isa niyang anak.

Puro lalaki raw kasi ang mga apo niya kaya tinanong niya kung babae na ang susunod.

Siniguro umano sa kanya ni Baldwin na babae na ang magiging apo niya.

Kaya sa halip na magpa-ultrasound, naniwala agad si Itaya sa vision at bumili ng mga damit at gamit pambabae.

Ang nangyari, lalaki ang naging sanggol.

Nang balikan niya, humingi raw ng pasensya si Baldwin dahil pwet raw ng bata ang nakita niya sa vision dahil naka-dapa raw ito.

Ang masama pa nito, ilang beses siyang bumalik kay Baldwin at gumastos na ng mula P60,000 hanggang P70,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: