121

Jan 18, 2022 @ 18:08
By

Pwede na kumita? Mobile Legends papasukin na cryptocurrency

Hot topic ngayon sa gaming world ang pagkakaroon ng Mobile Legends: Bang Bang ng kanilang sariling non-fungible token (NFT).

Sa website ng cryptocurrency exchange website na Binance, makikita ang ‘MLBB: The Aspirants Mystery Box’ na pinublish ng NFKings.

Nagkakahalaga ng 25 BUSD ang isang NFT ng Mobile Legends, na kung bibilhin sa ‘Pinas ay nagkakahalaga ng halos P1,300.

Limitadong bilang ng NFT ang ilalabas ng sikat na mobile game, tanging 24,700 lamang ang ino-offer sa mga gustong bumili.

Bawat isang user ay maaaring kumuha ng 100 box.

Ngunit magiging katulad na ba ng Axie Infinity ang Mobile Legends?

Kung titingnan, malayo ang mechanics ng Axie Infinity, na isang play-to-earn na blockchain game kumpara sa NFT ng Mobile Legends.

Para kumita sa Mobile Legends, pwedeng ibenta ang biniling NFT sakaling oras na tumaas ang presyo nito.

Heto ang link para sa karagdagang impormasyon tungkol sa NFT ng Mobile Legends: https://www.binance.com/en/nft/mystery-box/detail?number=1&productId=179527931398301696

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?