104

Jul 16, 2019 @ 21:21
By

PWDs may libreng sakay sa LRT 2

Makakalibre ng pamasahe ang mga person with disability (PWDs) sa Light Rail Transit 2 (LRT 2) sa July 17 bilang pagsisimula ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Sa Twitter post nitong Martes, sinabi ng Light Rail Transit Authority na maaaring ma-avail ang free rides mula 10 a.m. hanggang 12 p.m. at 3 p.m. hanggang 5 p.m.

Kailangan lang magpresinta ng PWD ID ang mga ito para makalibre ng sakay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?