22

PWD na nagre-repack ng shabu, 13 pa arestado

Sharing is caring!

Labing-apat na katao, kabilang ang isa umanong Person With Disability (PWD) na sinasabing gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa sunud-sunod na isinagawang ‘anti-illegal drug and anti-criminality operations’ sa Quezon City.

Batay sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., naaresto ng Anonas Police Station (PS 9) sa pamumuno ni P/Supt. Cipriano Galanida si Ger-ar Ababao, 30-anyos, na umano’y pipi at bingi at residente ng Brgy. Pansol.

Naaktuhan umano ng Barangay Police Officer (BPSO) ng Brgy. Pansol si Ababao dakong alas-tres ng hapon (November 10, 2018), na nagtitingi-tingi ng droga sa Block 6 Kaingin 2, Brgy. Pansol. Nakumpiska sa kanya ang anim na sachets ng shabu.

Habang nadakip naman ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni P/Supt. Louise Benjie Tremor sa buy-bust sina Rafael Santiago, 27, ng No. 102 K4th St., Brgy. Kamuning at Harvey Pascual, 26, ng No. 142 K2nd St., Brgy. Kamuning, dakong alas-2:30 ng madaling-araw, sa No. 102 K4th St., Brgy. Kamuning. Nakumpiska sa kanila ang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Sa Masambong Police Station (PS 2) na pinamumunuan ni P/Supt. Rodrigo Soriano, naaresto sina Noe Hermosa, 41, at Carlos Evangelista, 48, kapwa residente ng Agno St., Banawe, Brgy. Doña Josefa, dakong alas-5:30 ng hapon, sa Ilagan St., Brgy. Paltok at nakumpiska sa kanila ang dalawang sachets ng shabu.

Kasamang nadakip sina Julius Ayag, 30, ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa; Renato Samonte, 43, ng Tawid Sapa Dos, Brgy. Kaligayahan at Ferdinand San Diego, 52, ng No. 46 A, 11th Ave., Brgy. Socorro, dakong alas-sais ng gabi (November 10, 2018), sa No. 73 Pieces St., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, at nasamsam ang dalawang sachets ng shabu at drug paraphernalia.

Naaresto rin sa buy-bust sina Arman Miralles, 36, ng No. 40 Del Pilar, Brgy. Paltok at Edilberto Peralta, 50, ng No. 36 Homemart Route, Brgy. Apolonio Samson, bandang alas-11:00 ng gabi, sa Pitimini St., Brgy. Del Monte at nasamsam sa kanila ang tatlong sachets ng shabu at buy-bust money.

Arestado din sa anti-illegal drugs operation sina Toribia Tani, 56; Ely Marquez, 31; David Morales, 21, at Jasper Manigbas, 35.

Ang mga nadakip ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }