16

By

PVL: UP nabuhay sa huling 3 sets, binulsa ang Game1 kontra FEU

Sharing is caring!

Nasungkit ng University of the Philippines ang unang panalo laban sa Far Eastern University, 14-25, 22-25, 26-24, 25-18, 15-5 sa Game 1 ng finals series sa Premier Volleyball League Collegiate Conference battle at the FilOil Flying V Arena nitong Linggo, Setyembre 9.

Nalagay sa alanganin ang UP matapos manalo sa first at second set ang FEU, ngunit nakabawi naman sila sa third at fourth set.

Umarangkada na nang tuluyan ang UP nang makaiskor sila ng 8-3 sa huling set, at hindi na muling nakabangon ang FEU.

“That was very, very close, again I just told them that we needed two things. One the pass, and, second less pressure on ourselves,” wika ni UP head coach Godfrey Okumu.

Nakaiskor ng 16 points si Isa Molde para sa Lady Maroons samantalang nag-ambag naman si Roselyn Rosier ng 15.

Si Heather Guino-o ang naging leading scorer sa buong laro sa pamamagitan ng kanyang 17 points.

Pagkakataon ng UP na maiuwi ang una nilang kampeonato matapos ang ilang dekadang pagkabigo sa Game 2 sa darating na Miyerkoles, Setyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?