38
Pablo nanibago matapos magarahe ng ilang linggo
By

PVL: Philippine Air Force pababagsakin ni Pablo

Pasasabugin ni ace spiker Myla Pablo at Motolite ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers sa kanilang 2:00 pm showdown sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Niligwak ng Motolite ang BaliPure Water Defenders nitong Linggo, 25-9, 25-20, 25-19, sa pamumuno ng 12 marka ni Pablo.

Katuwang ni Pablo si setter team captain Iris Tolenada na gumawa ng 17 excellent sets at apat na puntos upang tulungan ang Motolite umangat sa 2-1 win-loss record.

Samantala, bigo pa rin ang Air Force sa huling laban kontra BaliPure, 24-26, 25-16, 19-25, 25-17, 15-17, noong Agosto 21.

Balewala ang tig-13 puntos nina middle hitter Dell Palomata at wing spiker Jozza Cabalsa para maisampa ang koponan sa win column.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?