4

By

PVL: Pablico nagningning, hinakot ang MVP award

Sharing is caring!

Napanalunan ni Paolo Pablico ng Adamson University ang Most Valuable Player award sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference men’s division ngayong Miyerkoles, Setyembre 12.

Nagtala ang Falcons skipper ng 15.1 points sa 41.34% success rate sa attacking department.

Hinirang rin si Pablico bilang 2nd Best Outside Spiker kasunod ni Bryan Bagunas mula sa National University na nanalo ng 1st Best Outside Spiker at Finals MVP matapos namang walisin ang UST sa championship round.

Si JP Bugaoan mula sa FEU ang tinanghal na 1st Best Blocker habang nakamit ni UST Jayvee Sumagaysay ang 2nd Best Blocker award.

Nakuha nila UST Joshua Umandal at Timothy Tajanlangit ang Best Opposite Spiker at Best Setter awards samantalang si Ricky Marcos ng NU ay pinangaralang Best Setter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?