14

By

PVL: Molde ng UP, ibinulsa ang women’s MVP

Sharing is caring!

Si Isa Molde ng University of the Philippines ang napiling Most Valuable Player sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference ngayong Miyerkoles, Setyembre 12.

Nakapag-average ang Season 78 UAAP Rookie of the Year ng mahigit 15 points at 3.96 digs mula sa elimination round, siya rin ang nagdala sa UP patungong Finals.

Inuwi rin ni Molde ang 1st Best Outside Spiker at ang kanyang UP teammate na si Aieshalaine Gannaban ay tinanghal na 2nd Best Middle Blocker.

Maraming naiuwing individual awards ang Adamson Lady Falcons kabilang na rito si Bernadette Flora na nakamit ang 2nd Best Outside Spiker, Eli Soyud bilang Best Opposite Spiker, MJ Igao sa Best Setter Award, at Rose Ponce bilang Best Libero.

Si Celine Domingo naman mula sa FEU ang hinirang na Best Middle Blocker sa PVL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?