20

By

PVL: Milena, Eya inilapit ang UST sa third place

Sharing is caring!

NAKALUSOT ang University of Santo Tomas laban sa Adamson University sa limang set 25-20, 27-29, 13-25, 25-19, 17-15 sa Game 1 ng best-of-three battle for third series sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena Linggo ng gabi.

Nagtala si Milena Alessandrini ng game-high 31 points para sa Tigresses samantalang nag-ambag si Eya Laure ng 21 markers.

Matapos ang dikit na labanan sa fifth set, 15-all, gumiba ang Adamson laban sa UST dahil sa dalawang sunod na errors nila.

“Maganda ang naging playing time nila kasi lahat ng inensayo namin ay lumabas sa game,” komento ni UST head coach Emilio ‘Kung Fu’ Reyes Jr.

Nakakolekta ng 12 blocks ang UST kumpara sa siyam lang ng Adamson.

Binuhat naman ni Eli Soyud ang Lady Falcons sa kanyang 22 points.

Susubukan sungkitin ng UST ang third spot sa Game 2 sa darating na Miyerkoles, Setyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?