35

By

PVL Finals: Huling laro ni coach Tai, nagbunga ng kampeonato para sa Creamline

Sharing is caring!

Magandang farewell gift ang ibinigay ng Creamline Cool Smashers para sa kanilang head coach na si Tai Bundit.

Ito’y matapos nilang gibain ang Ateneo-Motolite, 25-20,25-20, 25-15 para ma-sweep ang Game 2 ng finals series sa Premier Volleyball League Open Conference nitong Sabado sa Batangas City Sports Coliseum.

Walang nagawa ang Ateneo sa tikas ng kanilang dating star player na si Alyssa Valdez, kasahog pa ang talento nina Michele Gumabao at ginawaran na best setter na si Jia Morado.

Nagpakaba pa ang Creamline nang umungos ng anim na puntos ang Ateneo, 10-16, ngunit nakabalikwas din matapos ang 15-4 blitz para tuluyang madomina ang huli.

Ang nasabing kampeonato ang tinatayang huli sa Pilipinas para kay coach Tai, na babalik na sa Thailand at doon na mananatili para sa kanyang pamilya.

“Now, (we don’t) have man in the house, only women so it’s dangerous for the family. That’s why I need to come back to control everything,” pahayag ni coahc Tai ng makapanayam sa balak nitong bumalik na sa Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }