45

By

PVL: De Leon, Nunag, Layug minanduhan ang PetroGazz

Diretso na sa semifinals ng Premier Volleyball League Open Conference ang PetroGazz nang walisin ang Adamson-Akari 25-21, 25-9, 25-15 Linggo ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Malamya ang simula ng Angels pero umararo sa kainitan ng laban para markahan ang ikatlong sunod na panalo tungo sa 8-5 win-loss record.

Kasama ng Angels sa Final Four ng liga ang BanKo (10-3), Ateneo-Motolite (10-4) at Creamline Cool Smashers (9-3).

Pumalo ng 14 na puntos si Jessey de Leon para sa Angels habang bumakas naman ng 13 puntos si Cherry Nunag at 11 puntos si Alyssa Layug.

Sa kabilang panig naman, ito na ang ika-12 sunod na talo ng Adamson na pinangunahan ng rookie na si Trisha Genesis na may anim na puntos at may tig-limang puntos naman sina Eli Soyud at Chrislyn Uy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?