47

By

PVL crown kukunin nina Kaewpin, Creamline

Target nang makuha nina import Kuttika Kaewpin at defending champions Creamline Cool Smashers ang korona sa Game 2 best-of-three Finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference kontra PetroGazz Angels alas-4 Sabado ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Balak nang wakasan ng Creamline ang serye laban sa PetroGazz at para muling makuha ang kampeonato ng torneo.

Apat na set ang kinailangan ng Cool Smashers upang mabagahe ang Game 1 sa tono ng 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 panalo sa pangunguna nina Kaewpin na may 21 points at Aleoscar Blanco na nagtala ng 18 points.

“I guess mina-mindset lang sa amin ni coach Tai (Bundit) all the time na to play happy, na walang pressure,” pahayag ni team captain Alyssa Valdez.

“Kasi if we pressure ourselves to be perfect dun mahihirapan. ‘Yung flow naman ng game hindi naman laging perfect so we have to adjust.”

Triple-double performance ang naitala ni Valdez sa Game 1 na umiskor ng 16 points kasama pa ang 15 digs at 11 excellent receptions.

Samantala, hahataw muna alas-2 ng hapon para sa battle for third ang BanKo Perlas Spikers (1-0) at Pacific Town Army.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?