25
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
By

PVL: Carlos, Pablo, Motolite babateryahin ang PacificTown

Mga laro Sabado/Oktubre 19: (FilOil Flying V Centre)

4:00pm – PacificTown-Army vs Motolite

6:00pm — Chef’s Classic vs Air Force

Sasandigan ng Motolite si Tots Carlos sa tangkang sikwatin ang ikalawang dikit na panalo sa pakikipagtuos sa PacificTown-Army mamaya sa 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V.

Pumalo si Carlos ng game-high 17 points, kabilang ang 12 attacks, sa nakaraang bakbakan nila ng BaliPure.

Aasahan rin ni coach Godfrey Okomu si Myla Pablo sa Power Builders para pagandahin pa ang hawak na 9-5 maraha.

Samantala, pipilitin naman ni Royse Tubino na putulin ang ika-4 na sunod na talo ng PacificTown.

Salpukan rin ang win-less team Chef’s Classic (0-15) kontra Air Force (6-8) sa ikalawa at huling laro ng double-header.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?