30

By

PVL: Adamson buhay pa, tinabla ang serye kontra UST

Sharing is caring!

Nanaig ang Adamson University kontra sa University of Santo Tomas sa apat na sets, 15-25, 25-20, 25-20, 25-19, sa Game 2 ng best-of-three series sa Premier Volleyball League Collegiate Conference battle-for-third sa FilOil Flying V Arena San Juan, nitong Miyerkoles.

Pinamunuuan ng Best Opposite Spike na si Eli Soyud ang Lady Falcons sa kanyang 14 points. Nagtala naman ng 12 points ang Best Outside Spiker na si Bernadette Flora samantalang nag-ambag ng 11 si Mary Joy Dacoron.

Nakawala mula sa 19-all ang Adamson sa huling set sa pamamagitan ng 6-0 run na sinimulan ni Flora, upang makuha ang panalo laban sa UST.

Pinuwersa ng Adamson na mangyari ang do-or-die game para sa third place na gaganapin sa Setyembre 15, Sabado.

Four of our players who won an award came at a perfect timing [for the team],” saad ni Adamson coach Airess ‘Air’ Padda. “They all needed confidence going into this match.”

Maganda ang naging simula ng UST sa simula ng laro sa pamamagitan ng 18-7 run upang sungkitin ang first set.

Ngunit nakabawi nang tuluyan ang Lady Falcons at hindi na sila napigilan pa ng Golden Tigresses sa sumunod na tatlong sets.

Tumirada si Milena Alessandrini ng game-high 22 points para sa UST habang si Eya Laure ay namahagi ng sampung puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?