123

Jul 30, 2018 @ 19:04
By

Puyat, tikom ang bibig sa Tulfo issue

Ayaw magkomento ni Tourism Secretary Berna Puyat sa mga isyung kinasasangkutan ng mga dating opisyal ng kagawaran.

Sinabi ni Puyat na ipinasa na nila sa tamang ahensya ang iskandalong nalikha sa P60 million advertisements ng DOT sa programa ni Ben Tulfo sa PTV 4.

Hindi na rin nagbigay ng komento ang kalihim sa mga mararangyang pagbiyahe sa labas ng bansa ni dating Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano.

Sinabi na lang ni Puyat na nakasentro ngayon ang kanilang atensyon sa mga programa na layong maabot o mahigitan ang 7.4 milyong target na foreign tourist arrivals ngayong taon.

Una nang inihayag ni Ben Tulfo, kapatid ni dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo, na hindi nila ibabalik ang P60 milyon dahil sa kanyang paniniwala ay walang iregularidad ang inilagay na tourism advertisements sa kanyang programa sa government-owned station.

Noong Mayo nagbitiw sa puwesto si Teo matapos kuwestiyonin ng Commission on Audit ang P60 milyong halaga ng advertisement na napunta sa programa ng kanyang kapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?