62

Sep 30, 2020 @ 16:20
By

Puyat pinayuhang mag-self quarantine

Hindi natuloy sa pagtungo sa Boracay si Tourism Secretary Berna Romulo Puyat.

Dapat sana’y aalis ngayong Miyerkoles si Puyat para sa pagbubukas ng Boracay bukas, October 1.

Sabi sa ulat sa DZBB, hindi na tumuloy sa isla ang kalihim matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive.

Pinayuhan ng mga doktor na sumailalim sa self-quarantine si Puyat para sa kapakanan ng mga posibleng makasalamuha niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?