408

By

Puyat, hiyang-hiya matapos matawag na ‘sweetie’ si Año

Sharing is caring!

Ibinahagi ni Tourism Sec. Berna Puyat ang nakakahiyang karanasan niya matapos matawag na “sweetie” si Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año.

Sa kanyang Instagram ikinuwento nito ang pangyayari na halos ipanalangin niyang lamunin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan.

“I receive so many text messages everyday and I try my best to reply to all of them. I was texting DILG Sec Año and my son at the same time and I accidentally sent him my text to my son,”

Sa palitan kasi nila ng text ni Año, na-“wrong send” siya at natawag na “sweetie” ang huli.

“Sweetie do you need the earphones for your phone?”

“Sec!!!! That was for my son!!! Haha! Sorry!! Oh my gosh!!” sabi ni Puyat sa text kay Año na sobra ang pagkahiya sa nangyari.

Sinagot naman siya ni Año na, “No worry Sec. Berna. We re bestfriends naman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?