12

Feb 24, 2021 @ 9:42
By

Puyat: Age restriction sa Intramuros alisin na

Hihilingin ng Department of Tourism sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ngayong linggo na tanggalin na ang age restriction sa mga gustong bumisita sa Intramuros.

“‘Yun ang hinihiling namin sa IATF: na tanggalin na ‘yung age restriction. Kahit na isang araw lang [para] may family day,” wika ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa ABS-CBN’s Teleradyo, Miyerkoles.

“Nakita mo naman ang Intramuros, open space, open air and we only accept, at any given time, 100 people,” banggit niya pa.

Ayon kay Puyat, sa pagbubukas ng Intramuros kamakailan, nalungkot sila na makita sa pila ang mga magulang na bitbit ang mga batang anak at hindi nila mapapasok kasi nga may age restriction.

Pinunto ng kalihim na pinayagan naman ng IATF na walang age restriction sa staycation sa mga Metro Manila hotel, kaya sana rin aniya ay pahintulutan itong panukala nila sa Intramuros.

“Kunwari may pangangamba, hihingin lang namin isang araw muna, parang test run, in a week. Tapos ‘pag–I’m confident na–okay siya, dadagdagan namin ng araw,” aniya pa.

Sa ilalim ng IATF guidelines, ang pinapayagan lang na lumabas ng bahay sa GCQ areas para sa non-essential purposes ay mga edad 15 hanggang 65.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?