68

Oct 11, 2017 @ 15:37

PUV modernization program, hindi pinag-isipan – Recto

Problemang posibleng manahin ng susunod na administrasyon kung itutuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng Modernization Program ng Public Utility Vehicles (PUV).

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa deliberasyon para sa panukalang P70 bilyong budget ng DOTr sa 2018.

“Kung plaka ng kotse hindi nyo maibigay, delayed kayo ng ilang taon sa plastic drivers license cards, why are you embarking on a new project or a new program? Babaguhin natin ang lahat ng jeep,” saad n Recto.

Sinabi ni Recto na sa ngayon pa lang ay nakatatanggap na siya ng mga reklamo sa iba’t ibang panig ng bansa hinggil sa modernization program.

Naniniwala ang senador na hindi pinag-isipang mabuti ng ahensya ang programa na tinatayang gugugulan ng P300 bilyon para sakupin nag 250,000 units ng jeep na P1.2 million ang bawat isa.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito, chairman ng subcommittee ng Finance, P80,000 sa bawat jeep ay isusubsidiya ng pamahalaan habang ang nalalabi ay sagutin ng operator o may-ari.

“P80,000 times 250,000, that is P20 billion, if they multiply it. Now, who is going to pay for the P280 billion kung P300 billion iyong programa, who will pay for the P280 billion?” tanong ni Recto.

Kung susumahin din anya hindi sasapat ang pondong ibibigay sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na P2.4 billion kada taon para sa pautang sa mga operator.

“So, P2.4 billion. And, they need P20 bllion, in five years, P4 billion a year. May P2.4 billion. Saan iyong balanse pa?,” dagdag ni Recto. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?