92

Oct 16, 2017 @ 13:03

PUV modernization, negosyo lang!

Suportado ng grupong Anakpawis ang transport strike sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston).

Hinimok rin ni Anakpawis Rep. Ariel “Ka Ayik” Casilao ang publiko na tutulan ang Public Utility Vehicle modernization program ng administrasyon Duterte na aniya’y mag-aalis sa mga jeep bilang mass transport system at maka-aapekto sa maraming sektor.

Para kay Casilao, negosyo lamang ang PUV modernization program na pagkakakitaan ng mga dayuhang korporasyon at malalaking negosyante.

“The PUV Modernization Program is none other than corporatization and further commercialization of the public transport sector, that will benefit foreign monopoly automotive corporations, big businesses and their lackey transport groups,” sabi ni Casilao.

Iminungkahi ng kongresista na gamitin na lamang ang budget para dito bilang suporta sa lokal na sektor ng transportasyon.

Base sa ulat ng Department of Finance ang nasabing programa ay nagkakahalaga ng P416 billion para sa susunod na 5 taon kabilang ang P8 bilyong subsidy para sa pagbili ng PUVs at P3..9 billion para sa Office of Transport Cooperatives.

“We would rather recommend that this huge budget be used in supporting the local mass transport sector, than simply be drained as profits of big automotive companies,” giit ni Casilao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?